Pagbigay Pugay sa Dakilang Mananangol
May 16, 2007
Iyong niranas ang maraming matitinding bagyo
ang hagupit ng hangin at ang lamig ng panahon
nalunod sa ulang pumapalupot sa buong katawan
tanging ang pader at ang puno ang iyong kasama
walang imik sa tindi ng araw
nakatali sa isang tabi ngunit walang kibo
nagmamasid nakikinig
binabantayan ang teritoryong angkin
sa iyong pagpanaw ano kaya ang naalala
ang walang hanggang paghuhukay
ang paghabol sa mga taong dumadaan
o ang paghiga sa malabot ng unan ng yong amo
sampung taon ang iyong buhay
sampung taong pang habang buhay
sa iyong pag dating at pag panaw
sinukat mo ang aking oras at panahon
Leave a Reply