wala akong ulam

August 22, 2005

hay ang hirap. ang gusto mo lang naman ay ang magkaroon ng maayos gig araw araw. hirap men. punta ka sa bar napunong puno ng usok. tapos magaantay ka ng tatlong oras para lang makatugtog ng tatlong kanta. Ipagsisiksikan ang treseng banda sa isng gig. bakit ba ang hirap??? paano ang mga bandang parang boyband nakakakuha ng mga magagandang gig. Hay nako. ok lang masaya naman. ang mag yosi kasama ang mga kabarkada mo. mga taong di mo kakilala kasama mong umuiinom sa madaling araw. kailan darating na ang lahat ng banda ay mapakinggan sa buong pilipinas sa buong pilipinas. KAILAN BA AKO MAGKAKAROON NG SARILING GROUPIES?!!! malapit na ako maghanap ng trabaho at iwan na ang mundo ng underground music. Hindi ko na matutugunan ang aking luho sa pagpunta sa mga underground gigs. alapit ko na iwan ang buhay na aking kinasaya. malapit na ako magbunkal ng tae para sa aking kabuhayan. Hatiran kayo ng malinis na tubig. Ayusin ang inyong mga basura. Bigyan kayo ng malinis na hangin. Linisin ang kalsada. panatilihing baha-free ang kalsadang inyong dinadaana. malay nyo ako na ang susunod nyong mumurahin habang nagbubungkal sa gitana ng kalsada. at habang ginagawa ko ang mga bagay na ito hindi ko pwedeng hawakan ang aking gitara at tumugtog.

ang pangako ng musika ay mananatiling pangako para sa akin. ang pangarap ng musika ay mananatiling pangarap sa akin. Ngunit ang musika ay mananatili sa akin…

One Response to “wala akong ulam”

  1.   Shabby-kun said:

    session ka sa’min minsan. XD we have a gig we can play for about an hour. parang concert, pare! XDDD and we have a sax player. wo0t!!1!!!1111!!!!!one!11!one!

Leave a Reply